-- Advertisements --

Nagawa pa ring mag-hello ni US President Joe Biden had sa North Korean leader na si Kim Jong Un sa kabila ng takot sa Pyongyang na weapon test.

“Hello. Period,” ito ang sinabi ni Biden bago tumulak sa Japan.

Bahagi ng pagbisita ni Biden ang ikalawan nitong leg ng kanyang Asia trip.

Paalis na si Biden sa South Korea matapos ang dalawang araw na pakikipagpulong sa bagong halal na pangulo na si Yoon Suk-yeol.

Napag-usapan ng mga ito ang posibilidad na pagkakaroon ng expanded joint military exercises bilang tugon sa panganib ng weapon test ni Kim.