Ipinahayag ni US PRES Donald Trump na hindi siya nasisiyahan sa pinakabagong alok ng Iran para sa negosasyon, hudyat na maaaring magpatuloy ang deadlock sa digmaan.
Aniya, may mga hinihingi ang Tehran na hindi niya kayang tanggapin, kahit nagpapatuloy ang komunikasyon ng dalawang panig.
Ayon naman kay Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi, bukas ang Iran sa diplomasya kung babaguhin ng U.S. ang “agresibong approach,” ngunit nananatiling nakaalerto ang kanilang pwersa laban sa posibleng pag-atake.
Kasabay nito, lalong uminit ang tensyon sa mga kaalyado matapos ipahayag ang pag-withdraw ng tropa ng U.S. mula sa Germany, kasunod ng alitan kay German Chancellor Friedrich Merz.
Sa kabila ng tigil-putukan, nananatiling kritikal ang isyu sa Strait of Hormuz, na apektado ang malaking bahagi ng global oil supply, kaya patuloy ang pangamba sa ekonomiya at pagtaas ng presyo ng langis. (report by Bombo Jai)
















