Ipinahayag ni United States President Joe Biden ang kanyang pasasalamat sa Filipino American community kasabay ng pagdiriwang sa buwan ng Oktubre ng Filipino American History sa US.
Pinarangalan din ng pangulo ng US ang mayamang pamana at tradisyon ng milyun-milyong Pilipinong Amerikano.
Nakiisa ang White House sa pagdiriwang, na idiniin na ang mga Pilipinong Amerikano ay nakatulong sa pagbuo ng ideya ng Amerika.
Ayon kay Biden, ngayong Filipino American History Month, ipinagmamalaki ng Biden-Harris Administration na parangalan ang mga henerasyon ng mga Pilipinong Amerikano na tiniyak na ang kanilang bansa ay mananatiling isang lupain ng pag-asa, pagkakataon, at optimismo.
Ang data mula sa US ay nagpakita noong Pebrero na mayroong higit sa apat na milyong Pilipinong Amerikano na naninirahan sa Estados Unidos.