-- Advertisements --

Isang malaking hamon ngayon para kay US President Joe Biden ang kaniyang State of the Union Address.

Ito ay dahil sa hindi nagkakaisa ang kongreso at haharap ito ng may mataas na inflation sa US.

Nitong Nobyembreo kasi ay nakuha ng Republicans ang kontrol sa House sa pamamagitan ni House Speaker Kevin McCarthy.

Gaganapin ang taunang state of Union Address ng US President dakong alas-10 ng umaga ngayon araw oras sa Pilipinas.

Ito kasi unang pagkakataon na papayagan ang pangulo at mga lider ng kongreso na magdala ng mga bisita bukod sa pagdalo ng mga miyembro ng House at Senate, lahat ng siyam na mga Supreme Court Justices, mga gabinete at mga diplomatic corps.

Personal na dadalo naman sa State of Union Address ni Biden si U2 frontman Bono, Ukrainian ambassador to the US na si Oksana Markarova at maraming iba pang mga opisyal.

Maraming mga political analyst sa US ang nagsabing na ang State of Union Address nito ni Biden ay tila blueprint na rin sa plano nito sa susunod na taon.