-- Advertisements --
Naglabas na ng alert ang US Transportation Department sa mga barko na galing sa US na iwasan ang pagdaan sa Red Sea.
Ang nasabing advisory ay dahil sa tension na nagaganap sa lugar kung saan patuloy ang ginagawang pagpapalipad ng missiles ng mga Houthi rebels sa mga barkong dumadaan sa lugar.
Mula ng gantihan ng US ang mga Houthi rebels sa Yemen ay hindi rin tumigil ang mga rebeldeng grupo sa pagganti.
Pinayuhan nila ang mga US-flag at US-owned commercial vessels na iwasan muna at maghanap ng ibang ruta ng kanilang barko para hindi madamay sa mga nangyayaring kaguluhan.