-- Advertisements --
Ipinagpipilitan ni US Secretary of State Mike Pompeo na mayroon silang malakas na ebidensya na nagmula sa laboratory sa Wuhan City, China ang coronavirus.
Sinabi nito na handa nilang panagutin ang China kapag nakumpleto na nila ang lahat ng mga ebidensiya.
Inakusahan pa nito ang China na hinaharang ang anumang imbestigasyon na isinasagawa ng World Health Organization (WHO).
Magugunitang kinontra ng WHO ang pahayag ng US na galing sa laboratory ang nasabing virus at ipinagiitan na ito ay galing sa hayop.