-- Advertisements --

Ikinasal na ang Olympic gymnast na si Simone Biles sa nobyong si NFL player na si Jonathan Owens.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang USA Gymnastics star ng mga larawan ng kanilang pag-iisang dibdib.

Noong Pebrero 2022 ay inanunsiyo ng seven-time Olympic medalist ang pagiging engaged na nito sa nobyo.

Nagkakilala ang dalawa bago ang pananalasa ng COVID-19 pandemic kung saan ang pandemiya pa aniya ang nakatulong para magkaroon sila ng mahabang oras sa isa’t-isa.