Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Russia para sa isang large-scale invation sa Ukraine at sa kasalukuyan ay naglatag na ng 70 percent ng kanilang puwersa na kakailanganin para sa naturang pag-atake, base sa assessment ng US intelligence.
Sinabi ng mga opisyal ng America na 110,000 sundalo ang nakapuwesto sa border ng Uktraine, pero hindi naman matukoy pa sa ngayon ng US intelligence kung nagdesisyon na nga ba si President Vladimir Putin ng Russia na lumusob.
Kasabay nito ay binalaan ng mga opisyal ang mga mambabatas na sa bilis ng pag-assemble ng Russian force sa kanilang frontier ay mabibigyan nang pagkakataon si Putin para sa isang full-scale invasion sa kalagitnaan ng Pebrero.
Nauna nang itinanggi ng Russia na plano nilang lusubin ang Ukraine.
Kung sakali mang matuloy ang full-scale attack ng Russia, maaring makuha ng invading force ang capital ng Ukraine at mapatalsik si President Volodymyr Zelensky sa loob lamang ng 48 oras. (AFP)