-- Advertisements --
Nanindigan ang US State Department na binalaan ng US ang Russia na may nakuha silang impormasyon na terroristang aatake sa Moscow.
Ayon kay US State Department spokesperson Matthew Miller na mayroon na silang ibinigay na private warning subalit ito ay binalewala ng Russia.
Sa katunayan aniya noong Marso 7 ay binalaan nila ang mga US citizens na nasa Moscow na iwasang dumalo sa mga mass gatherings.
Una rito ay itinanggi ni Russian President Vladimir Putin na nakatanggap sila ng bababala sa US na mayroong terror attack.










