-- Advertisements --
Pumalo na sa 25,839 ang nasawi matapos dapuan ng coronavirus sa Estados Unidos.
Sa pinakahuling taya ng World Health Organization (WHO) nitong Martes lamang ay mayroon ng 23,293 na bagong kaso ng coronavirus ang naitala na mayroong kabuuang 610,234 at may 2,199 na bagong nasawi.
Nangunguna na ang US sa may pinakamaraming kaso sa buong mundo na sinundan ng Spain na mayroong 172,541 na bagong kaso.
Pumangatlo naman sa puwesto ang Italy na mayroong 162,488 na kaso habang mayroong 21,067 ang nasawi.
Nasa pang-apat na puwesto naman ang France na mayroong 143,303 na mayroong kabuuang nasawi na 15,729 at pang-lima ang Germany mayroong kabuuang 131,359 at 3,294 ang kabuuang bilang ng nasawi.