-- Advertisements --

Nangangalap na ng impormasyon ang US sa naganap na drone attack sa Moscow.

Ayon sa US National Security Council na hindi kailanman sinusuportahan ng US ang nagaganap na drone attack sa Russia.

Patuloy ang pagkuha nila ng mga impormasyon kung ano nga ba ang tunay na nangyari.

Una ng sinisi ng Russia ang Ukraine na nasa likod ng drone attack na mariing pinabulaanan naman ng Ukraine.

Binatikos din ng US ang ginawang aerial assault ng Russia sa Ukraine kung saan may ilang sibilyan ang nadamay.

Patuloy na iginigiit ng US na nauna ang Russia sa paglusob sa Ukraine kaya nararapat na iatras na ng Russia ang kanilang mga sundalo na nakakalat sa Ukraine.