Nanawagan ang Estados Unidos sa China na itigil na ang ginagawa nitong “routine harassment” ng mga barko nito sa West Philippine Sea.
Ito ang isa sa mga binigyang-diin ni US Department of State spokesperson Matthew Miller sa kaniyang pahayag sa ika-7 anibersaryo ng arbitration ruling na nagtataguyod sa paninindigan ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa historical claims ng China sa West Philippine Sea.
Bukod dito ay hinikayat din ng Estados Unidos ang China na itigil na ang panggugulo sa sovereign rights to explore, exploit, conserve, at pangangasiwa sa natural resources ng bansa sa West Philippine Sea.
Kasabay ng pabibigay diin na dapat na rin itigil ng China ang panghihimasok nito sa freedom of navigation and overflight of states na legal na nag ooperate sa rehiyon.
Samantala, sa bukod naman na pahayag ay muli ring pinagtibay ni Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu ang suporta nito sa arbitral ruling ng Pilipinas sa West Philippines Sea.