-- Advertisements --

Naipamahagi na ng US ang ilang libong mga armas at bala sa Ukraine.

Ayon sa US Central Command na kinabibilangan ito ng mga machine guns, sniper rifles, rocket launchers at ilang libong mga bala na kanilang nakumpiska sa Iran.

Sapat aniya ang nasabing mga armas para sa mga 4,000 na mga sundalo na lumalaban sa Russia.

Galing ang mga armas sa pagkumpiska ng US military mula sa apat na barko ng Iran nagpupuslit ng mga armas mula Mayo 2021 hanggang Pebrero 2023.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nailipat ng US ang mga nakumpiska nilang kagamitan ng Iran dahil noong Oktubre ng nakaraang taon ay mahigit isang milyong rounds ng bala ang kanilang naibigay sa Iran.

Una ng inamin ng Ukraine na labis silang nagkukulang ng mga armas kung saan hindi makapagpadala ang US dahil sa kakulangan ng pagpopondo mula sa kongreso.