-- Advertisements --
image 752

Inihayag ng mga opisyal ng Estados Unidos sa US Congress na nakahanda ang Amerika na tulungan ang Pilipinas sakaling ma-escalate ang tensiyon sa pinagtatalunang karagatan.

Ito ay kasabay ng pagtalakay sa patuloy na pagiging agresibo ng China sa naturang katubigan kabilang ang pagtutok ng laser at pambobomba ng tubig o water cannon laban sa mga personnel ng Pilipinas.

Sa congressional hearing ng US House of Representatives nitong Biyernes, sinabi ng US Defense Department na maguudyok sa Amerika na tupdin ang commitment nito sa ilalim ng Mutual Defense Treaty sa Pilipinas kapag nagkaroon ng armadong pag-atake laban sa mga asset ng PH kabilang na sa mga barko ng PCG sa pinagtatalunang karagatan kung saan parte nito ang West PH Sea.

Para patunayan ang commitment na ito, inihayag ni US Defense Department’s deputy assistant secretary Lindsey Ford ang kredibilidad ng military partnership ng US sa PH na sinabi nitong bedrock part ng seguridad ng US sa Indo-Pacific at sa buong mundo.

Maliban din sa pagprotekta sa military foothold ng US sa PH sa pamamagitan ng 9 na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa PH, sinabi ng US Defense official na tinutulungan din ng US ang isang American company na nagooperate ng shipyard sa may Subic bilang critical strategic infrastructure.

Sinabi naman ni US Coast GUard Pacific Area Commander Vice Admiral Andrew Tiongson na tinutugunan nila ang mga demand ng Philippine counterpart nito kaugnay sa kakulangan ng available assets para sa depensa.

Padating sa assets, sa pamamagitan ng interagency parnerships na nagtayo sa training center para matulungan ang PCG sa kanilang operasyon gayundin ang maintenance ng mga barko ng bansa.

Tinulungan din aniya nila ang PCG na mapataas ang bilang ng coast guard personnel mula sa 5,000 para makamit ang kanilang goal na 35,000 at nagtalaga ng maritime adviser.