Inihanda na ng White House ang kanilang US Navy team na tutulong para mahanap ang nawawalang submersible vessel malapit sa mga bahagi ng lumubog na Titanic.
Sinabi ni National Security Council Coordinator for Strategic Communications John Kirby na maging si US President Joe Biden ay nakatutok sa nasabing rescue operations ng US Coast Guard at mga opisyal ng Canada kasama ang ilang mga ahensiya.
Nagpadala na rin ang Navy command ng advanced remotely operated dive vehicle na kayang sumisid ng sa malalim na bahagi ng dagat para mahanap ang nawawalang barko.
Magugunitang nawalan ng contact ang Titan submersible na pag-aari ng kumpanyang OceanGate kung saan mayroong lulan ito ng limang katao na kinabibilangan ng isang British adventurer, French diver, mag-amang Pakistani at ang founder ng kumpanya na siyang nag-operate para libutin ang lumubog na bahagi ng Titanic.