-- Advertisements --
Nakahanda ng US sakaling magkaroon ng Ebola outbreak.
Kasunod ito sa Ebola outbreak sa Uganda na inaasahang kumalat hanggang sa US.
Nagsagawa na rin ng exercise ang US Centers for Disease Control and Prevention and the Administration for Strategic Preparedness and Response kung sakaling kumalat ang nasabing virus.
Ayon kay CDC spokesperson Kristen Nordlund na mayroong isang istratihiya sakaling kumalat ang nasabing virus.
Magugunitang aabot sa 136 kaso ng Ebola ang naitala sa Uganda mula pa noong Setyembre kung saan 53 na ang kumpirmadong nasawi.