-- Advertisements --
View south of the northern Sierra Madre from peak of Mt. Cagua ZooKeys 266 001 g007

Nagbigay ng P240 million halaga ang gobyerno ng Estados Unidos upang suportahan ang mga pagsisikap sa konserbasyon ng biodiversity ng 11 piling civil society organizations (CSOs) sa Pilipinas.

Inihayag ng US Embassy sa Manila ang halaga ay magpopondo sa mga gawad sa ilalim ng US Agency for International Development’s Investing in Sustainability and Partnership for Inclusive Growth and Regenerative Ecosystems (USAID INSPIRE) na proyekto, na ang ilan ay tututuon sa proteksyon ng wildlife at pagpapatupad ng mga natural na solusyon sa climate change.

Plano ng Mabuwaya Foundation, isa sa mga tatanggap, na gamitin ang kanilang grant para protektahan ang kagubatan ng kabundukan ng Sierra Madre sa Cagayan sa pamamagitan ng pagtugon sa iligal na pagtotroso at conversion ng mga lupang kagubatan para sa paggamit ng agrikultura.

Sa loob ng mahigit anim na dekada, nakipagtulungan ang ahensya ng US sa gobyerno ng Pilipinas at mga lokal na organisasyon upang pangalagaan ang mayamang biodiversity ng bansa at pagaanin ang mga epekto ng climate change.

Mula noong 2021, sinabi ng embahada na nakapagbigay ito ng mahigit P620 milyon sa mga civil society organizations para palakasin ang kanilang pagsisikap sa pagkamit ng environmental sustainability at pag-angat ng buhay ng mga Filipino community.