-- Advertisements --
Nasa $1.6 billion naman na pondo ang ibinigay na US sa biotech company na Novavax para makagawa ng bakuna laban sa COVID-19.
Kapalit nito ay maglalaan naman ang kumpanya ng 100 million na bakuna sa US.
Ang nasabing halaga ay mas mataas pa sa pondo na ibinigay ng US sa Oxford University vaccine na nagkakahalaga ng $1.2 billion.
Bukod pa dito ay nagbigay pa ng $450 million na pondo sa kumpanyang Regeneron para sa experimental COVID-19 treatment at prophylaxis na kumbinasyon ng dalawang antibodies.