-- Advertisements --
JANSEN
Bottles of the single-dose Johnson & Johnson Janssen Covid-19 vaccine await transfer into syringes for administering at a vaccine rollout targetting immingrants and the undocumented in Los Angeles, California on March 25, 2021. – The US is calling for a pause on April 13, 2021 on administering the Johnson & Johnson Covid-19 vaccine due to blood clotting concerns. (Photo by Frederic J. BROWN / AFP) (Photo by FREDERIC J. BROWN/AFP via Getty Images)

Nag-alok ang Estados Unidos na magbahagi ng mga bakuna sa China upang mapigilan ang patuloy na tumataas na mga kaso ng Covid19.

Bagama’t malabong tanggapin ng China ang alok mula sa Estados Unidos dahil ang parehong bansa ay madalas na magkalaban sa iba’t-ibang industriya.

Ayon sa spokesman State Department na si Ned Price, mahalaga na ang lahat ng mga bansa ay nakatuon sa pagpapabakuna sa mga tao at paggawa ng pagsubok at paggamot na madaling magagamit upang mapuksa ang nasabing virus.

Kung matatandaan, ang United States ay ang pinakamalaking donor ng mga bakuna ng Covid-19 sa buong mundo.

Dagdag pa ni Price, handa umano silang patuloy na suportahan ang mga tao sa buong mundo, kabilang ang China, at iba pang suportang pangkalusugan na nauugnay sa Covid19 virus.

Una na rito, ang bansang China ay ang lugar na kung saan unang natukoy ang Covid-19 tatlong taon na ang nakararaan, hanggang kamakailan ay sinubukan ang isang patakaran ng zero cases na may kasamang mahigpit na pag-lockdown sa iba’t-ibang mga bansa.