-- Advertisements --
Inanunsiyo ng US ang $2.5 bilyon security package sa Ukraine.
Ang nasabing package ay inanunsiyo isang araw bago ang pagpupulong ng mga international coalition sa Germany para talakayin ang tulong sa Ukraine.
Sa pinakabagong tulong ay kinabibilangan ito ng 90 Styker armored personnel carriers at 59 Bradley Infantry fighting vehicles.
Sa kabuuan ay aabot na sa $26.7 billion na naitulong ang US sa Ukraine mula ng sakupin sila ng Russia noong Pebrero 2022.










