-- Advertisements --

May mga iba pang parating na military aid ang US sa bansang Ukraine.

Ayon kay US National Security Council coordinator John Kirby na hindi pa natatapos ang naunang $13 bilyon na security assistance nila sa Ukrainian Armed Forces.

Posible sa mga susunod na mga araw ay kanilang iaanunsiyo ang security assistance sa Ukraine.

Pinakahuling tulong ng US na naibigay ay nagkakahalaga ng $2.9 billion sa Ukraine.

Sa kabuuan ay mayroong mahigit $13-B na ang tulong pinansiyal ng US mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.