-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US Secretary of State Antony Blinken ang dagdag na $625 milyon na security assistance sa Ukraine.

Sinabi nito na gagamitin umano ito ng Ukraine para mabawi ang mga lugar na inangkin ng Russia.

Kinabibilangan ito ng dagdag na High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS), howitzer at mga bala.

Pagtitiyak niya na ginagawa ng US ang lahat ng makakaya para matulungan ang Ukraine dahil sa ginawang pananakop ng Russia.