-- Advertisements --

Inaasahan na iaanunsiyo ni US President Joe Biden ang dagdag na $1-bilyon na tulong militar sa bansang Ukraine.

Ang nasabing package ay kinabibilangan ng karagdagang howitzers, mga bala at coastal defense system.

Ayon kay Defense Secretary Lloyd Austin na patuloy ang ugnayan ng US at Ukraine para mapalakas ang depensa ng kanilang bansa.

Kanilang ginagawan naman daw ng paraan para maabot ang hiling na dagdag armas ng Ukraine.