-- Advertisements --
Naglabas ng travel advisory sa Japan ang US Centers for Disease and Prevention dahil sa corona outbreak.
Ito na ang pangalawang corona-related travel advisory na inilabas ng ahensiya sa labas ng mainaland China.
Sa pahayag ng CDC, dapat ang mga travelers ay ugaliin ang usual precautionary measures.
Ilan dito ay ang pag-iwas na makisalamuha sa mga taong may sakit at ang paglinis lagi ng kamay.
Ipinayo din nila ang pagpaptingin sa doktor kapag sila ay galing sa Japan sa loob ng dalawang linggo.
Magugunitang ilang mga katao ang nadapuan na ng virus sa Japan.










