-- Advertisements --

Matagumpay na naaresto ng US military ang isang opisyal ng ISIS sa ginawa nlang helicopter raid sa northern Syria.

Ayon sa US Central Command, na naaresto si Abu Halil al-Fad’ani sa helicopter raid na ginanap noong Setyembre 23, 2023 sa northern Syria.

Si Al-Fad’ani ay ISIS Syria Operational at Facilitation official.

Wala umanong sibilyan ang nasaktan o nadamay sa operasyon na ito ng US.

Sinabi ni CENTCOM spokesperson Lt. Col. Troy Garlock na ang pagkakaaresto sa nasabing suspek ay nagpapatunay ng abilidad ng US na matukoy at matanggal ang mga terorista sa Syria.

Tiniyak nito na patuloy ang kanilang ginagawang paglaban para tuluyang masugpo agn terorista.