-- Advertisements --

Nagsasagawa ng assesement ang US sa potensyal na damyos ng kanilang Patriot missile defense system matapos ang naganap na pag-atake ng Russia sa Kyiv.

Ayon sa isang US official na maaring nagkaroon lamang ng damyos at hindi tuluyang nasira ang kanilang Patriot Missile defense system ng magpaulan ng missiles ang Russia sa nasabing lugar.

Titignan nila ang pinsala kung kailangan ba ito ng tanggalin sa lugar o aayusin na lamang ng mga sundalo sa Ukraine.

Magugunitang ipinagmalaki ng Russian Defense Ministry na natamaan ng kanilang Kinzhal hypersonic missile system ang Patriot Missile system ng US na nakalagay sa Kyiv.

Mariing pinabulaanan naman ito ng Ukraine at sinabing kanilang naharang agn karamihang missiles ng Russia.