-- Advertisements --

Ikinokonsidera ng US na magpatupad ng COVID-19 restrictions sa mga Chinese arrivals.

Kasunod ito sa anunsiyo ng China na tatanggalin na nila ang COVID-19 restrictions sa mga dumarating sa kanilang bansa kahit na patuloy ang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Una ng nagpatupad ng travel restrictions sa mga Chinese tourist ang mga bansang Italy, Japan, Malaysia, India at Taiwan.

Magugunitang tinanggal na ng China ang COVID-19 restrictions sa mga magtutungo sa kanilang bansa na magiging epektibo ito sa Enero 8.