-- Advertisements --

Itinanggi ni US Vice President JD Vance na isinara muli ng Iran ang Strait of Hormuz.

Sinabi nito na wala silang nakitang anumang ebidensiya na isinara nga ang nasabing Strait.

Giit nito na mayroong 16 milyon na mga bareles ng langis ng US ang nakadaan sa Strait of Hormuz at nakikita nilang gumagalaw ang mga barko doon.

Una ng inanusiyo ng Revolutionary Guard ng Iran na kanilang isinaraw ang Strait of Hormuz dahil sa paglabag sa ceasefire na ginawa ng US at Israel.

Nagbunsod din ang desisyon na isara ang Strait of Hormuz dahil sa ginawang airstrike ng Israel sa Lebanon.