-- Advertisements --

Pinabulaanan ng US na inaprubahan na nila ang hiling ng Ukraine ng long-range weapon system para mapalakas ang kapasidad ng kanilang military laban sa Russia.

Ayon sa Pentagon na wala pang desisyon na ipinapalabas ang US pera kanilang pinag-iisipan ang nasabing request.

Reaksyon ito ng Pentagon sa lumabas na ulat ukol sa inihahanda na ng US ang pagpapadala ng Multiple Launch Rocket Systems (MRLRS) sa Ukraine.

Dahil dito ay nagbabala ang Russia na tila inuudyukan sila sa pamamagitan ng pagsuplay ng mga armas sa Ukraine.