-- Advertisements --

Nakatakdang ipadala ni United States President Joe Biden ang kanyang unang trade and investment mission sa Pilipinas sa Marso 11.

Sa isang pahayag, sinabi ni White House National Security Council Spokesperson Adrienne Watson na ang delegasyon ay pangungunahan ni Secretary of Commerce Gina Raimondo at nasa Maynila hanggang Marso 12 para makipag-ugnayan sa mga Filipino stakeholders.

Aniya, ang pagbisita, ay magpapatibay sa Pilipinas bilang isang key hub para sa mga regional supply chain at mataas na kalidad na pamumuhunan.

Sinabi ni Watson na ang misyong pangkalakalan ay sumusunod sa pangako ni Biden kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang ugnayang pang-ekonomiya ng US-Philippines at kinikilalang internasyonal na mga karapatan sa paggawa.

Nauna nang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa na magiging bahagi rin ng misyon ang isang kinatawan ng US International Development Financial Corp. (DFC).

Nauna nang ibinunyag ng envoy na ang US ay nag-alok ng tulong para sa natigil na Mindanao Railway Project.

Ang trade mission ay dumating din pagkatapos ng paglagda sa 123 Agreement, na magbibigay daan para sa mga proyekto ng nuclear power sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

Ang 123 Agreement, na nilagdaan noong Nobyembre 2023, ay nagpapahintulot sa paglilipat ng impormasyon, nuclear material, equipment, at mga bahagi nang direkta sa pagitan ng dalawang estado.