-- Advertisements --

Inilabas ng US ang actual na video ng pagbangga ng Russian fighter jets sa kanilang drone.

Sa inilabas na 42-segundo na video ng US military na makikita ang paglapit ng Su-27 jet sa kanilang MQ-9 drone.

Dito ay makikita ang pagbuga ng mga makapal na fuel mula sa fighter jet ng Russia sa harap ng drone hanggang ito ay tuluyang bumagsak.

Depensa ng Russia na nagkumahog lamang sila ng makita ang nasabing drone sa Black Sea at itinangging kanilang sinadya ang pagpapabagsak nito.

Paliwanag ng Pentagon na nasa routine mission ang drone ng ito ay pabagsakin ng Russia.