-- Advertisements --
Napili ni US independent presidential candidate Robert F. Kennedy Jr bilang kaniyang maging bise presidente si Silicon Valley attorney at entrepreneur Nicole Shanahan.
Isinagawa ni Kennedy ang anunsiyo sa kaniyang campaign rally sa kaniyang hometown na Oakland, California.
Ang 38-anyos ay first-time candidate na hindi gaano kilala ng karamihan sa US.
Mula pa noong nakaraang taon ay ipinakita na niya ang buong suporta kay Kennedy kahit na noong tumatakbo pa siya sa Democratic primary.
Tiwala si Kennedy na ang kaniyang bise presidente ay makakapanghikayat ng mas maraming batang botante.