-- Advertisements --
image 321

Matapos ianunsiyo ng Amerika na magbibigay ito ng kontrobersiyal na cluster bombs sa Ukraine, panibagong $1.3 billion military aid package ang nakatakdang ibigay pa para sa nagpapatuloy na counteroffensive ng Ukraine laban sa Russia.

Kabilang dito ang National Advanced Surface-to-Air Missile Systems (NASAMS) air defense systems at munitions, TOW anti-tank missiles, 152 mm artillery shells, drones gayundin ang counter-drone systems, at iba’t ibang mga sasakyan.

Ang ibibigay na air defense system ng Amerika ay mayroong 100% success rate para ma-intercept ang mga pag-atake ng Russia.

Ang naturang military package ay bahagi ng Ukraine Security Assistance Initiative (USAI) na parte ng long-term commitment ng US para magbigay ng military aid sa Ukraine.