-- Advertisements --
Inakusahan ng US ang Russia na sila ay bumibili ng ilang milyong rockets sa North Korea na ginagamit laban sa Ukraine.
Ayon sa isang US official na nagpapahiwatig lamang ito na patuloy ang paghina at pagkaubos ng suplay ng Russia ng kanilang mga armas para panlaban sa Ukraine.
Ang dalawang bansa kasi ay mayroong mahigpit na samahan na nabuo noong Korean War noong 1950.
Nauna ng inakusahan ng US ang Russia na nakabili sila ng mga drones mula sa Iran.
Ang nasabing mga drones aniya ay may kakayahan na magdala ng mga nuclear weapons.