-- Advertisements --
Inakusahan ng US ang China ng pagiging agresibo sa ibang mga bansa.
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na hindi sila papayaga na balewalahin ng China ang mga rules-based international order.
Hindi rin sang-ayon si Blinken sa anumang military confrontation dahil ito ay laban sa interests ng bawat bansa.
Dagdag pa ni Blinken na naging maganda ang pag-uusap sa telepono noong Pebrero ni US President Joe Biden at Chinese President Xi-Jinping.
Magugunitang sa noong nakaraang linggo sa talumpati ni Biden sa kongreso ay sinabi nito na tinatanggap nila ang kumpetisyon para maging dominant global power.