-- Advertisements --
Ikinakabahala ng US ang tuluyang pag-atake ng Israel Defense forces sa Rafah sa Gaza City.
Sinabi ni Secretary of State Antony Blinken na walang anumang impormasyon silang nakuha mula kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kung kailang sila aatake.
Muling iginiit nito na labis silang nababahala sa kalalagyan ng mga sibliyan na nandoon sa Rafah.
Kaya aniya sila nagtungo doon ay dahil sa pag-aakala nilang ligtas sila mula ng simulan ng Israel ang military operations sa Gaza.
Hindi aniya sila tumitigil na magbigay ng alternatibo sa Israel para hindi dumanak ng dugo sa Rafah.
Magugunitang ibinunyag ni Netanyahu na walang anumang puwersa ang maaring makapagpatigil sa kanilang pag-atake sa Rafah.