Tinanggihan ni Republican US House Speaker Kevin McCarthy ang imbitasyon ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na bumisita sa kanilang bansa.
Kasunod ito sa pagkontra ng mga Republicans sa patuloy na pamamahagi ng tulong ng US sa Ukraine.
Sinabi ni McCarthy na wala itong anumang plano na bumisita sa Ukraine at tanging hindi tama lamang ay ang hindi agarang pagbibigay tulong ni US President Joe Biden sa mga biktima ng giyera sa Ukraine.
Unang sinabi ni Zelensky na dapat magtungo sa Ukraine ang US House Speaker para makita nito ang tunay na kalagayan ng kanilang bansa.
Ipapakita aniya ng Ukraine President sa US House Speaker ang pinagdadaanan ng mga mamamayan niya mula ng lusubin sila ng Russia.
Magugunitang ilang bilyong dolyar na military aid ang naibigay na ng US mula ng sumiklab ang kaguluhan sa Ukraine.