Inaprubahan na ng US House of Representatives ang pagpapatalsik sa pwesto sa Homeland Security Secretary ni US President Joe Biden na si Alejandro Mayorkas.
Sa botong 214-213, nagdesisyon ang House of Representatives na i-impeach sa pwesto si Mayorkas dahil sa hindi umano nito pagpapatupad ng immigrations laws ng US na nagdulot umano ng pagdami ng migrants sa US-Mexico border. Isa rin sa naging rason ng Kongreso ay ang pagsisinungaling daw ni Mayorkas.
May mga ulat kasing dumami raw ang iligal na mga migrante ang dumadaan sa border ng US-Mexico simula nang maupo si Democrat President Joe Biden noong 2021. Isa ito sa mga kampanya ni former President Donald Trump laban kay Biden.
Ayon naman kay Mayorkas, hindi niya responsibilidad ang nangyayari sa border ng US. Ang dapat daw sisihin dito ay ang hindi maayos na sistema ng immigration na hindi binibigyang-pansin ng Kongreso.
Umaasa naman ang panig ni Mayrokas na hindi boboto ang senado pabor sa pagpapatalsik sa kanya dahil karamihan sa mga miyembro nito ay kaalyado ni Biden.