-- Advertisements --

Hindi tumitigil ang US sa missile strike laban sa mga Houthi rebels.

Sa pang-anim na pagkakataon sa nagdaang 10 araw ay tinamaan ng missile ng US ang anti-ship missiles ng Houthi rebels na matatagpuan sa Yemen.

Una ng gumamit ang US ng fighter jets para tamaan ang dalawang Houthi anti-ship missiles.

Magugunitang iginiit ng US na hindi sila titigil hanggang tuluyang masawata ang Houthi Rebels.