-- Advertisements --

Naharang ng US ang apat na eroplano ng Russia na lumipad malapit sa himpapawid ng Alaska.

Ayon sa joint US-Canadian North American Aerospace Defense Command (NORAD), na agad na nilapitan ng dalawang American F-16 warplanes ang Tu-95 bomber at Su-35 fighter aircraft ng makita nila ang mga ito.

Paglilinaw nila na nananatili ang mga ito sa international airspace at hindi na pumasok pa sa American o Canadian sovereign airspace.

Hindi aniya ito naging banta sa US dahil sa regular ang ginagawa nilang pagrota.