-- Advertisements --

Posible umano na maaari nang gamitin sa Estados Unidos ang coronavirus antibody test ngayong buwan ayon kay Dr. Deborah Birx ang coronavirus response coordinator ng White House.

Ang ELISA o enzyme-linked immunosorbent assay, ay kayang i-detect o sukatin ang antibodies sa dugo ng isang tao.

Kung maging matagumpay, ang naturang test ay makakatulong para malaman kung mayroon pa ring natitirang virus sa katawan ng pasyenteng tinamaan na ng sakit ngunit kalaunan ay gumaling din.

Ayon sa mga eksperto, kung ang isang pasyente ay tinamaan na ng virus at nakapag-develop na ang katawan nito ng antibodies ay magiging maliit ang tsansa na magkaroon ulit ito ng parehong sakit.

Dagdag pa ni Birx na sa pamamagitan din ng ELISA testing ay kaagad din na malalaman ang mga frontline medical workers na positibo sa COVID-19.