-- Advertisements --
Nagkamit ng gold medal sa gymnastics all-around ang pambato ng US na si Sunisa Lee.
Nagtapos ang 18-anyos na si Lee sa 57.433.
Pumangalawa naman si Rebeca Andrade ng Brazil na nakakuha ng silver medal habang bronze medal naman ang nakuha ni Angelina Melnikova ng Russia.
Isa sa nagsaya sa pagkapanalo ni Lee ang defending champion Simone Biles na personal na nanood sa laro.
Magugunitang hindi na itinuloy ni Biles ang mga laro sa Olympics dahil umano sa dinaranas nitong depression.