-- Advertisements --

Opisyal nang nag-shut down ang gobyerno ng Estados Unidos matapos mabigo ang Senado na maipasa ang huling minutong funding bill o panukalang pondo na sana’y magpapatuloy sa operasyon ng gobyerno.

Ibig sabihin, pansamantalang mahihinto ang ilan,pero hindi lahat, ng mga serbisyo ng gobyerno. Ito naman ang kauna-unahang shutdown mula pa noong taong 2018 hanggang 2019.

Ayon sa mga ulat, maaapektuhan dito ang ilang ahensya at mga manggagawa ng gobyerno, habang ang mahahalagang serbisyo tulad ng seguridad at kalusugan ay magpapatuloy.

Ang kaganapang ito ay bunga ng hindi pagkakasundo ng mga Senador sa pondo ng pamahalaan, na nagdulot ng biglaang pagsasara ng ilang bahagi ng operasyon ng gobyerno ng Amerika.