-- Advertisements --

Kinumpirma ni Lee Jong-seok, nominado bilang director ng National Intelligence Service ng South Korea na gaganti ang Estado Unidos gamit ang nuclear nito kung aatakihin ng North Korea ang South Korea gamit ang mga nuclear weapons.

Ginawa ni Lee ang pahayag sa kanyang nomination hearing nang tanungin kung naniniwala siyang tutugon ang Washington kahit pa may banta ng intercontinental ballistic missiles mula sa Pyongyang.

“Yes, that is my belief,” sagot ni Lee, at iginiit na ang nasabing sitwasyon ay may direktang kaugnayan sa kasunduang pang-seguridad ng South Korea at Estados Unidos.

Una nang pinaghihinalaang may nuclear arsenal ang North Korea, bagaman hindi pa ito nagpapakawala ng missile na may aktwal na nuclear warhead.

Nabatid na si Lee Jong-seok ay hinirang sa ilalim ng bagong halal na liberal ni South Korean President Lee Jae Myung, na opisyal na nanungkulan noong Hunyo 4, 2025.