-- Advertisements --

Inaprubahan ng US Food and Drug Administration (USFDA) ang gamot sa Alzheimer’s disease na Lecanemab.

Ang nasabing gamot ay gawa umano ng Elsai Co. at Biogen Inc. na para sa mga pasyenteng mayroong earliest stages ng mind-wasting disease.

Ayon sa US FDA na layon ng gamot na pagbagalin ang pagiging malala ng nasabing neurodegenerative disease sa pamamagitan ng pagtanggal ng sticky clumps.

Ang nasabing gamot aniya ay posibleng magkahalaga ng $26,500.