-- Advertisements --

WASHINGTON – Inaprubahan na sa Estados Unidos ang paggamit sa blood plasma ng recovered COVID-19 patients bilang treatment sa mga tinamaan at kasalukuyang infected ng pandemic na sakit.

Batay sa anunsyo ng US Food and Drug Administration (FDA), “for emergency use authorization” nila pinapayagan ang blood plasma treatment.

Kung maaalala, binatikos ni President Donald Trumpo ang ahensya dahil sa pagharang umano nito sa rollout ng mga bakuna at gamot sa coronavirus disease.

“The deep state, or whoever, over at the FDA is making it very difficult for drug companies to get people in order to test the vaccines and therapeutics. Obviously, they are hoping to delay the answer until after November 3rd. Must focus on speed, and saving lives!,” ani Trump sa isang Twitter post, na kanyang patama rin kay FDA commissioner Stephen Hahn.

Ayon sa ahensya, may mga ebidensyang nang nagpakita ng pagbuti sa lagay ng mga pasyenteng ginamit ng blood plasma, sa unang tatlong araw ng kanilang pagkaka-ospital.

Nabawasan din daw nito ang mortality o banta ng pagkamatay.

“It appeared that the product is safe and we’re comfortable with that and we continue to see no concerning safety signals,” ani Peter Marks, director ng FDA Center for Biologics Evaluation and Research.

Sa ngayon 70,000 pasyente raw sa Amerika ang sumasailalim sa plasma treatment. Karamihan sa mga kasali rito ay mga pasyente mas bata sa edad na 80-years old at hindi naka-respirator.

Mula raw nang gamitan ang mga pasyente ng blood plasma, nasa 35% ng survival rate ang naitala ng ahensya.(Reuters)