-- Advertisements --

Isa umano ang naitalang sugatan matapos bumagsak ang tatlong rockets sa US Embassy compound sa Baghdad.

Base sa impormasyon, walang masyadong sugatan sa nangyaring insidente at kaagad na bumalik sa duty ang kanilang mga tauhan.

Ayon naman sa State Department, batid nila ang mga reports hinggil sa bumagsak na rockets sa International Zone ngunit wala itong sinabi tungkol sa US embassy.

Tikom din ang bibig ng State Department kung mayroong nasaktan sa mga empleyado ng naturang embassy. “We call on the Government of Iraq to fulfill its obligations to protect our diplomatic facilities.”

Hindi naman direktang sinisi ng Pentagon sa Tehran ang nasabing rocket strikes ngunit batay sa pahayag ng spokesperson nito ay hindi raw nila tinatanggal ang posibilidad ng mga banta na kanilang natatanggap mula sa Iran.

“The security situation remains tense and Iranian-backed armed groups remain a threat. So, we remain vigilant,” saad ng tagapagsalita.

Umabot na sa 14 pag-atake ang naitalang ginawa ng Iran simula noong Setyembre.