-- Advertisements --
image 295

Dalawang patrol vessel na BRP Valentin Diaz (PS177) at BRP Ladislao Diwa (PS178) ang na-commission sa isang seremonya sa Philippine Navy Headquarters sa Manila ngayong araw na itinuturing na magpapalakas sa maritime patrol ng Ph.

Sinabi ng Philippine Navy na ang mga sasakyang ito ay gagamitin para sa coastal patrols sa littoral waters at sea lanes of communications, at iba pang naval at humanitarian assistance at disaster relief operations.

Ayon kay Philippine Navy chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr., na papalakasin nila ang kapasidad ng Navy na ipagtanggol ang interes ng ating bansa at palakasin ang kakayahang umangkop sa pagtugon sa iba’t ibang hamon sa seguridad, mula sa piracy at mga ipinagbabawal na aktibidad hanggang sa pagtugon sa kalamidad at pagpapatupad ng maritime laws.

Aniya, ang mga patrol vessel na ito ay mahalaga sa pagpapanatili ng isang ligtas at secure na maritime environment.

Ang BRP Valentin Diaz at BRP Ladislao Diwa, na donasyon ng US, ay idadagdag sa Alvarez-class patrol ships ng Philippine Navy.

Mahusay itong makakapagmaniobra sa baybayin at mababaw na tubig kung saan maaaring maghirap ang malalaking sasakyang pandagat dahil sa maliit at mababaw na draft nito.

Maaari itong gamitin para sa mga patrol operations, interdiction, at surveillance laban sa masasamang sasakyang pandagat, gayundin bilang tugon sa mga emergency situations sa isang littoral battlespace sa loob ng low-intensity conflict environment.