-- Advertisements --

Pinakiusapan ni US Defense Secretary Lloyd Austin ang Israel na protektahan ang mga sibilyan sa Gaza na naiipit sa giyera.

Nakasalamuha ni Ausitin sa pagtungo niya sa Israel si Israeli Defense Minister Yoav Gallant kung saan tinalakay nila ang pagbaba na ng tensiyon mula sa major combat ay pinababa na ito sa intensity warfare.

Iginiit nito na hindi pa rin nagbabago ang suporta ng US sa Israel subalit marapat na maprotektahan ang mga sibilyan.

Magugunitang ikinabahala ni US President Joe Biden ang pagdami ng mga sibilyan na nadadamay sa giyera sa Gaza.