Pumanaw na si US country music star Toby Keith sa edad na 62.
Ayon sa kampo nito na naging malala ang kaniyang stomach cancer.
Noong 2022 ng ianunsiyo nito sa publiko na dinapuan siya ng stomach cancer.
Mula noon ay nagtuloy-tuloy ang kaniyang gamutan.
Si Keith ay isa sa mga malaking pangalan sa country music.
Sa loob ng mahigit 30 dekada na career nito ay nakapaglabas ito ng 24 studio at compliation albums at dalawang Christmas records.
Kumita ito ng mahigit $40 milyon sa kanta niya sa buong mundo.
Umabot sa 61 na kanta nito ang pasok sa Billboard Hot Country Songs kung saan 20 dito ay naging numero 1 at 22 iba naman ang pasok sa top 10.
Ilan sa mga sikat na kanta nito ay ang “Who’s Your Daddy?”, “Made In America”, “Should Have Been A Cowboy” at maraming iba pa.
Isinilang sa Oklahoma at noong 1993 ay pumirma ito ng record deal matapos ang pagiging empleyado sa rodeo hand.
Nagsagawa rin ito ng mga show sa mga sundalo ng US na nakatalaga sa Afghanistan at Iraq habang personal na pinapanood ito ng mga nagdaang pangulo ng US na sina Donald Trump, Barack Obama at George W. Bush.
Taong 2021 ng ginawaran siya ni Trump ng National Medal of Arts award na isa sa pinakamalaking award na ibinibigay sa mga artists at mga arts patron ng US government.